MAARING MAG-SHOPPING DIREKTA DITO. IPAPADALA NG CLOSEST HUB ANG ITEMS OR PACKAGES NA BINILI MO.

Madiskarteng Negosyo para sa mga Busy na Tao

Pagod ka na bang mapagod? May istorya dyan kung paano nalampasan ang parang imposibleng magdagdag ng sideline para sa karagdagang kita sa mababa at halos di mo matawag na puhunan.

SI-GP

6/25/20251 min read

man lying on black concrete top road near green leafed plants
man lying on black concrete top road near green leafed plants

May mga gabi ba na pag-uwi mo galing trabaho, o pagkatapos ng isang mahabang araw sa munti mong negosyo, uupo ka na lang at mapapatitig sa kawalan? Yung pakiramdam na pagod ka na sa pagiging pagod. Yung sahod na parang buhangin sa kamay, nawawala bago pa man dumating ang susunod.

Ganyan ako dati. Dito lang din sa Mindanao, sa araw-araw na biyahe at trabaho, madalas kong tanungin ang sarili, "Lagi na lang bang ganito?"

Nangarap din ako, na magkaroon ng sariling negosyo. Pero anong uring negosyo na hindi sasabak sa katakutakot na risk. Yong hindi na maglo-loan ng malaki. Umupa ng pwesto. Ang mamuhunan sa sangkatutak na imbentaryo. Yong hindi mo kailangang sumugal ng malaking investment na pati kinabukasan ng pamilya ay maitataya. Nakakatakot malugi.

Isang gabi, habang nag-iisip, pumasok sa isip ko na: "Kailangan talaga ng pinaka-ismarteng diskarte."

Hindi na ako naghanap ng panibagong trabaho. Naghanap na lang ako ng bagong modelo ng mga subok nang negosyo. Yong paraan na kikita ako sa sarili kong oras. Pero papaano ang diskarte ng pagsisimula ng negosyo sa mababa na gastos at risgo?

Ito ang naging hamon sa pagsisimula na makaiwas sa hindi kinakailangang pagpalabas ng pera. Kung iisipin parang imposible. Pero naging POSIBLE.

May nabuo akong "checklist"— limang bagay na napansin ko sa isang sideline na business na dapat ay ligtas, totoo, at pwede sa mga taong busy nakagaya natin.